Thursday, June 28, 2012

Tulang Makulit Dahil Sa Pag-ibig


Isang gabi hindi ako makatulog, dahil sa naalala kita
kamusta kana kaya?

Pinipilit kong burahin ka sa aking paningin
pero pilit kang lumalapit sa aking pandinig,
na para bang isang awitin na lagi kong inaawit.

Sadyang ang hirap ng ganitong situasyon,
dahil sa iyo ako'y napupuyat at namamaga ang aking mga mata
sa tuwing ako'y gigising sa umaga.

Isang gabi sinubukan kong bumangon sa aking kama,
at dumungaw nalang sa bintana kong madumi,
at sinubukan ko nalang din mag masid-masid ng kung ano-ano,
para man lang makaiwas sa pinagdadahanan kong trahedya sa aking matabang utak.

Pero ika'y sadyang makulit, patuloy kaparing nagmamasid,
na para bang.. mga batang pinagmamasdan ko rito sa aming lansangan.

Oh bakit ba ganito ang dinadanas ko ngayon, mabuti nalang siguro na mag soundtrip
nalang ako para dinalang kita maalala pa..

OMG! Ano ba naman ito, pag pindot ko sa aking mp3 sabay tumunog ang favorite song mo na
"Merry Your Daughter?" eh paano pa kita papakasalan eh.. wala na nga tayo. Sh*T!

(Okay back to the poetry..)

Mga mata mo'y napaka ganda
 na parang mukha mo
at parang nakikita  ko sa ibang mata ng  mga dalangita.
Anong ibig sabihin nito mang bababae ako na kamukha mo?

Wag kang mag alala, dahil hindi ko magagawa iyon
mabuti pa sigurong tignan ko muna ang situasyon
kung pwede pang magkabalikan
para sa mabuting paraan.

Ang tanong mahal mo paba ako?
oh may iba kanang mahal..

Kung alam molang nung unang ika'y nawala
halos mawasak ang puso kong ito
na para bang pinana ng hindi lang isang beses.. ngunit mahigit sa isang daang beses..

kakanta na nga lang ako..

  oh.. napakasakit kuya eddie ang sinapit ng aking buhay..

(Oops naging drama, okay back to the poetry)

Oh bakit ba'y naglalaro ka sa aking isipan
muntik nakong masagasahan sa aking dinadahanan
buti nalang at inilawan ako ng isang sasakyan para tumuwid sa aking linilipatan,
kasalanan tuloy ng mga MMDA  nayan hindi sila naglagay ng pedestrian..
nasaan naba ang mga stop light?  kase sila ang simbolo nung umibig ako ng tunay.

Sabi nga nung napanuod ko sa youtube that...

Love is like a trafic light, there are three colors which becomes a guide for us to know
when to stop, to let go, and to take action.

Red Light to stop
"Loving someone so much doesn't always mean they're the right one for us."

..Minsan may pagkakataong mararamdaman mo ang sakit na dulot ng pagmamahal mo..

"It's better to accept the fact that you are not appreciated than to insist yourself to someone who never really see your worth."

..Hindi porket mahal mo ang taong yun siya na talaga angpara sayo..

Makakanta nga muna, ang drama ng mga nailalagay ko dito sa tulang to eh..

  ♫  
Bakit sa'yo pa nagkagusto?
Parang bula ika'y naglaho...

[CHORUS]           
Porque contigo yo ya escoji?
Ahora mi corazon ta sufri
Bien simple lang I yo tapidi             
Era cin ti tu el cosa yo ya cin ti...

Tapidi milagro
Vira'l tiempo          
El mali hace derecho
Na di mio reso
Tapidi yo
Era ol vida yo contigo...   

Porque By: Maldita

(Okay back to poetry..)

Green Light to let go
"Letting go doesn't mean that your giving up, but rather accepting
that there are things that cannot be."

"Loving someone is setting them free, letting them go
but never say goodbye because goodbye means going away 
and going away means forgetting, to let go its not deny but to accept."

Kaya kung meron mang handang pumasok muli sa iyong puso.. ETONG SAYO!! hahahaha...

Yellow Light to take action 
While someone breaks your heart, another someone else is waiting to fix it
proceed with caution..

"Careful forethought to avoid danger or harm."

..Minsan wag rin tayong basta basta magtiwala sa isang taong balak tayong mahalin o gusto tayong mahalin, sa panahon natin ngayon marami ng pekeng emosyon, minsan may isang bagay lang silang kina iinteresan sa atin...

...Kung hindi tunay na pagibig...Pera, Sex, Katawan, Dahil gwapo ka o maganda...

Dahil para sa akin, ang tunay na pag-ibig ay wala sa pera nor dahil you have good looks..
ang tunay na pag-ibig ay may malalim na depenisyon..

 "You can only understand love, when you love truly and deeply."

bakit ko nasabi? kasi pinagdaanan kona at ginawa ko..

Tayong mga humans mayroon tayong sarasariling depenisyon sa pag-ibig,
kase dahil hindi parapareho ang dinanas natin sa ating nakaraan.

So walang pakialaman hahaha! tao lang tayo.. let's just have an exchange of thoughts, because right now while you read it from the begining i was started to say what i feel deep inside of me.. kung mapapansin ninyo rin, mejo ginagawan ko ng parang kwela lang o katawaan lang itong tulang to.. Para di talaga halatang affected ako ng EMOTIC DEPRESSION Ano daw?? Hahaha. Ewan ko nga kung mako-consider ninyo to as Poetry eh..hehehe ang gulo kasi kung baga MYX your choice, your music. 

Alam nyo ba kung bakit?
kasi ayaw konang maging emosyonal na tao. 
Para bang the more na nag eemosyon ka, the more na sinasaktan molang ang sarili mo..

Sana kayo rin.. kung sino man kayo!hahah!

Kaya gumawa ako ngayun ng mga pinaka bawal at hindi bawal na gawain tungkol sa pag-ibig..

Mga Bawal:         Mga Di-Bawal
- Selfishness        - Understanding
- Cheating           - God Fearing

Kung  titignan ninyo, kahit yan lang ang pagkakasunduin ninyong mag jowa, mag-asawa etc.
Magiging okay kayo..

Kung meron mang hindi maiwasan na problema, palampasin lang.. kung talagang mahal ninyo ang isa't isa gagawin ninyo ang lahat para lang matuwid ang mga bawat mali nyo sa tama so" Do Whatever It Takes."

Pero kung alam mong ikaw nalang ang tanging gumagawa ng mga effort para magkamabuti kayo, so its time for you to take the yellow traffic light. Ano nga kasi yon? Caution for you to let go and to take an action..

At wag lang din tayo magbasta basta magtiwala sa sarili nating emosyon.. Wag nating sariliin.. 

Kung may mga kaibigan ka jan na expert mag advice then go pa counsel ka haha! Or if your a guy ask some tips to your dad, kase father knows best. If your a girl ask your mom about it. The best parin makinig sa mga magulang dahil mas marami silang pinagdahanan keysa sa atin na nangangapa palang.

Kung Baga papunta palang tayo, pabalik na sila..

Know when you can't decide then ask from others,
Know when you can finally decide then do it,  do it yourself.

(Wait nawaley tayo sa tula ne? bakit puro advices na ang mga pangyayari?haha okay back to poetry)

Ngayong wala nakong masabi pa 
Siguro'y hangang dito nalang ako,
Alam kong panapanahon lang sa ganung situasyon 
Kaya 'y dapat matuto sa pinagdaanan
At gumawa ng panibagong daan.
Parang political view lang ;)

Sana kayo'y nag enjoy sa aking "Tulang Makulit Dahil Sa Pag-Ibig" 

Tuesday, June 12, 2012

"Spoiled Child Syndrome"

Isang araw nagutom ako, at lumabas muna sa trabaho para mag break at bumili ng miryenda sa labas ng branch namin, habang naglalakad naghahanap ako ng corn dog sa mga maliliit na food stole sa mall.. at sa wakas may nakita akong tender juicy hotdog na nagbebenta ng corn dog, habang kumakain nito bigla akong nabulunan at nag decide bumili ng tubig. So pumunta ako ng Watson at para bumili ng 500ml C2, habang nakapila sa counter meron akong nakitang bata na napakakulit turo ng turo ng kanyang gusto sa nanay nya..

"Mommy gusto ko netong TOBLERON.." Sagot ng nanay.. "Naku Anak bawal sayo yan".. at maya't maya nagturo nanaman yung bata, "Ma..ma, gusto ko neto" at sabay itinuro  ang Ferrero Rocher, Sagot ng Nanay.. "Nako anak mas bawal yan, mas bawal yan sa kalusugan mo." At doon nako bigklang napaisip nang kung anu-ano, na bakit kaya pilit sinasabi ng nanay niya na bawal sa kanyang anak ang ganung chokolate.. eh,,  ngunit nakapa sarap naman ng mga yun.

At bigla nanaman akong napaisip at konting natawa ako.
Nung una Tobleron mejo mahal, kaya hindi pumayag ang nanay niya.. kaya niya nasabe sa kanyang anak na bawal sa kanya..Pangalawa Ferrrero Rocher, kaya mas lalong nasabi ng nanay sa kanyang anak na bawal na bawal talaga..


Natuwa lang naman ako sa situasyon nila kaya ko shinare sa inyong magbabasa ito, pero NAMAN! may napulot akong ARAL at naiintindihan ko ang mensahe ng nanay sa kanyang anak..


Isang magandang halimbawa ang ganong strategy para sa mga batang makukulit, at para hindi sila ma spoiled. Ako naiinis ako sa mga batang spoiled minsan, lalong lalo na pagka may nakikita akong batang ganun, sinasabi konalang sa sarili ko "Pasalamat ka hindi kita pinsan o batang kapatid, kung hindi kanina pa kita binatukan sa kakulitan mo!" HAHA!! tama naman diba? ikaw ba gusto mo bang ma spoiled ang future son and daughter mo?..


Okay lang naman  na habang bata sila mejo pagbigyan pa, pero dipende yan sa situasyon. Lalong lalo na kung wala namang kwenta ang bagay na gusto nila. Turuan natin ang mga bata ng mabuti dahil darating din naman ang panahon sila'y lalaki na at sana sa maayos na paraan, at darating din naman ang araw sila'y magiging magulang na at maganda na maging mabuting halimbawa sila sa knilang mga anak.

Sa mga magulang na mahilig mag spoiled ng mga anak nila, ang masasabi kolang "GOODLUCK!" pagka lumaki yang mga anak ninyo, sila na magdedesisyon sa buhay nila at hinding hindi na sila makikinig sa inyo. At baka mapariwara pa ang mga yan..

Gayun paman.. meron talagang pinapanganak na makulit at meron ding hindi.. minsan may mga batang hindi mo na dapat turuan pa, at minsan may mga bata talagang saksakan ng kulit..

Minsan naging bata rin ako.. alam ko yung kakulitan ko noon.. pero hindi ko ginawang mangulit sa nanay ko, nagtututuro din naman ako nun pero, pagka ang nanay ko ay minulat na niya ang kanyang mga mata sa akin alam kona na mapapagalitan ako paguwi namin sa bahay.. Naalala kopa noon minsan ginagawa ng nanay ko bago man kami lumabas may BRIEFING na siyang ginagawa saming magkakapatid matanda man sa akin o nakakabata.. bunsong anak ako sa animg magkakapatid. Pero lahat kami sinanay ng nanay namin na hindi maging makulit na bata noon.. Tignan ninyo naman ngayong malalaki nakami, siguro kung hindi nila ginawa yong ganung paraan, marahil baka wala kaming binabat ngayon. HAHA!!

If you want a way to teach your child in a proper way this simple thoughts i share to you guy's, it's a big help for you to raise your kids properly. you can apply this in any situation, so its up to you if your going to follow it like in Twitter or super like on Facebook :) HAHAHA!!

It maybe funny but, there's a reason behind of it :)