Isang araw nagutom ako, at lumabas muna sa trabaho para mag break at bumili ng miryenda sa labas ng branch namin, habang naglalakad naghahanap ako ng corn dog sa mga maliliit na food stole sa mall.. at sa wakas may nakita akong tender juicy hotdog na nagbebenta ng corn dog, habang kumakain nito bigla akong nabulunan at nag decide bumili ng tubig. So pumunta ako ng Watson at para bumili ng 500ml C2, habang nakapila sa counter meron akong nakitang bata na napakakulit turo ng turo ng kanyang gusto sa nanay nya..
"Mommy gusto ko netong TOBLERON.." Sagot ng nanay.. "Naku Anak bawal sayo yan".. at maya't maya nagturo nanaman yung bata, "Ma..ma, gusto ko neto" at sabay itinuro ang Ferrero Rocher, Sagot ng Nanay.. "Nako anak mas bawal yan, mas bawal yan sa kalusugan mo." At doon nako bigklang napaisip nang kung anu-ano, na bakit kaya pilit sinasabi ng nanay niya na bawal sa kanyang anak ang ganung chokolate.. eh,, ngunit nakapa sarap naman ng mga yun.
At bigla nanaman akong napaisip at konting natawa ako.
Nung una Tobleron mejo mahal, kaya hindi pumayag ang nanay niya.. kaya niya nasabe sa kanyang anak na bawal sa kanya..Pangalawa Ferrrero Rocher, kaya mas lalong nasabi ng nanay sa kanyang anak na bawal na bawal talaga..
Natuwa lang naman ako sa situasyon nila kaya ko shinare sa inyong magbabasa ito, pero NAMAN! may napulot akong ARAL at naiintindihan ko ang mensahe ng nanay sa kanyang anak..
Isang magandang halimbawa ang ganong strategy para sa mga batang makukulit, at para hindi sila ma spoiled. Ako naiinis ako sa mga batang spoiled minsan, lalong lalo na pagka may nakikita akong batang ganun, sinasabi konalang sa sarili ko "Pasalamat ka hindi kita pinsan o batang kapatid, kung hindi kanina pa kita binatukan sa kakulitan mo!" HAHA!! tama naman diba? ikaw ba gusto mo bang ma spoiled ang future son and daughter mo?..
Okay lang naman na habang bata sila mejo pagbigyan pa, pero dipende yan sa situasyon. Lalong lalo na kung wala namang kwenta ang bagay na gusto nila. Turuan natin ang mga bata ng mabuti dahil darating din naman ang panahon sila'y lalaki na at sana sa maayos na paraan, at darating din naman ang araw sila'y magiging magulang na at maganda na maging mabuting halimbawa sila sa knilang mga anak.
Sa mga magulang na mahilig mag spoiled ng mga anak nila, ang masasabi kolang "GOODLUCK!" pagka lumaki yang mga anak ninyo, sila na magdedesisyon sa buhay nila at hinding hindi na sila makikinig sa inyo. At baka mapariwara pa ang mga yan..
Gayun paman.. meron talagang pinapanganak na makulit at meron ding hindi.. minsan may mga batang hindi mo na dapat turuan pa, at minsan may mga bata talagang saksakan ng kulit..
Minsan naging bata rin ako.. alam ko yung kakulitan ko noon.. pero hindi ko ginawang mangulit sa nanay ko, nagtututuro din naman ako nun pero, pagka ang nanay ko ay minulat na niya ang kanyang mga mata sa akin alam kona na mapapagalitan ako paguwi namin sa bahay.. Naalala kopa noon minsan ginagawa ng nanay ko bago man kami lumabas may BRIEFING na siyang ginagawa saming magkakapatid matanda man sa akin o nakakabata.. bunsong anak ako sa animg magkakapatid. Pero lahat kami sinanay ng nanay namin na hindi maging makulit na bata noon.. Tignan ninyo naman ngayong malalaki nakami, siguro kung hindi nila ginawa yong ganung paraan, marahil baka wala kaming binabat ngayon. HAHA!!
If you want a way to teach your child in a proper way this simple thoughts i share to you guy's, it's a big help for you to raise your kids properly. you can apply this in any situation, so its up to you if your going to follow it like in Twitter or super like on Facebook :) HAHAHA!!
It maybe funny but, there's a reason behind of it :)
No comments:
Post a Comment