Saturday, November 17, 2012

Cyber Bullying is a Childish Doing


Sa panahon natin ngayon dahil na uso na ang mga social networking sites tulad ng mga sumusunod:

Facebook
Twitter
Tumblr
Foursquare
Youtube

At marami pa..

Kaya kapag nagkakaroon ng mga cyber bullying na nagaganap sa internet madali na itong ikalat sa buong mundo. Lalaong lalo na nung nag trending yung kanila about kay SOTTO, yung sa MMDA Traffic Enforcer with Carabuena, at ngayon naman ang pinaka latest nasi AMALAYER..

Para sakin ang pang bubully sa mga social networking sites, ay pang batang gawain lamang, imagine mo nung bata kapa, nung nasa Grade 3 to 4 and 5 diba ayan ang kapanahunan nating mang bully ng kapwa kalaro natin right? Hindi moman ginawang mang bully, baka ikaw naman ang topic to bully hehe. Siguro din dapat ang pang bubully sa internet ay hindi siguro yung sobra sobra rin. Tama na yung alam nanatin na may ginawa silang mali instead of bully na nga sila bubulihin pa natin sila..

Eto pa! Sa pang bubully nayan, jan din nagsisimula ang Crab Mentality. Tapos kung makipag usap tayo sa  mga kapwa pinoy natin na, "tayo kasing mga pinoy mahilig tayong maghihilaan pababa kaya hindi tayo umaangat", eh papaano jan lang sa pang bubully nayan hilahin nayan ng kapwa pababa Tama? Magkaroon naman tayo ng konting "etiquette" kasi kahit papaano tao parin naman sila na tulad natin. Kung alam ninyo lang na ang cyber bulliying ay nakakaapekto ng pamumuhay ng isang tao. Panu kung sa atin mangyari yun kahit hindi natin gugustuhin kahit na wala kang ginawang masama, pwede rin naman na may biglang manira nalang sayo diba? tama?

Tayo talagang mga pinoy pagka may worse na tsismis nagiging super news ang mga pangyayari, sabi nga ng tita ko na that we pinoys love tsismis anything that is spectacular, sensational laging front page yan sa mga bibig natin. Sana kung paano rin natin din silang e correct,sana ganun din rin natin icorrect ang mga sarili natin.

Sige ganito nalang try nating e relate yung mga ginawa nilang kasupalpalan sa personal nating pamumuhay.

Yung mga nag trending nayan sa Facebook na si SOTTO, CARABUENA, AMALAYER lahat ng ginawa nila ginawa narin natin sa personal nating buhay, Oo ginawa mo na TAYO.

Ang pag COPY PASTE ng mga quotes at kung ano-ano sa internet PLAGIARISM yon, ginagawa mo o hinde? Minsan kasi nagmamagaling tayo sa mga bagay bagay tulad ng ginawa ni SOTTO na mang-kopya nang speech na hindi sa kanya. Putik! Parang tayo lang din ginawa rin naman din nating mag PLAGIARISM diba? lalong lalo na nung mga panahon nating nag thesis nung college, exam, at kung ano-ano pa basta kopyahan ang topic. At eto pa ang malupet, panay pa kopya natin ng walang paalam tama? Maski ako aminado ako.

Yung MMDA na traffic enforcer  na sinampal sampal ni carabuena even naman yung mga ibang drivers jan sa labas  ay nag-iinit din naman yung mga ulo nila lalong lalo na pagka jeepney drivers, at kapag traffic na ang situasyon na nagaganap. Minsan nga rin nakikipag away din kayo, tayo, sa daan tulad na nga nung nangyari dun sa traffic enforcer ng MMDA at yung si CARABUENA na may mas worse panga dun sa ginawa niyang pananampal dun sa MMDA enforcer. Yung iba nakikipag barilan, tubuan, sigawan at hindi magkaintindihan sa daan, ayaw magpatalo kase kasalanan mo at hindi mo matanggap.

Diba ginawa narin nating makipag away sa daan? na parang si AMALAYER sa LRT naman na nanigaw ng guard. Hindi moman nasigawan yung guard baka may nasigawan kanarin may be waiter, janitor mga sales opeartor sa mall tama o hinde? minsan nga pati Nanay natin nasisigawan natin diba? So wag natin silang husgaan lamang kasi tayo rin naman ginagawa natin ang mga ginawa nila..

Kase tayong lahat ay tao lamang, lahat tayo'y nagkakamali, na chempo lang na silang Tatlo na video angyare!? hehe.. at na publish sa public kaya ganun ang tingin ng mga tao sa kanila. Lahat tayo ay may pinagdadaan kaya iwasang rin nating mang husga at manira ng kapwa lalong lalo na in public, kase that's a way of losing your etiquette bilang mayroon kang pinagaralan.

Yung kay AMALAYER di naman nga na indicate ang buong pangyayare sa video na kung ano talaga ang nangyari. Maybe yung nag video gustong niyang magpabita sa facebook kaya niya pinost yon.. Di man nga niya alam kung ano ang buong pangyayari.. Basta post nalang bahala na ang mga mag kococomment!

Marahil mayroon siyang napag tanungan, pero hindi sapat yon hanggat hindi siya ang nakahusga ng buong pangyayari, kaya laging tandaan iba ang ACTUAL o SUSPECTION sa Tanong tanong lang jan sa tabi tabi. Minsan kasi yung chika na narinig mo, o napagtanungin mo, hindi na sapat na pagkunan ng informasyon para gawing balita. Kaya wag nalang mag pasikat dahil pinapasikatan molang sarili mo sa maling gawain What The FACT! Parang sa office work lang, yung mga mahilig mang tapak ng kapwa office staff para lang mapansin sila na magaling at kailangan silang e promote. Tama? Angyare?! 

Marahil baka isipin ninyo na kinakampihan ko sila.. Ang sakin lang ay nagpapakatao lang ako na dapat wag masyadong REACTOR sa mga nangyayari sa paligid natin, kase dahil jan nabubuo na ang siraan. On the other side sina SOTTO, CARABUENA, at AMALAYER ay gumawa talaga sila ng kapalpakan. So anung dapat nating gawin tayong mga VIEWER gagayin ba natin sila o tulungan nalang malutas ang kanilang mga kapalpakan at wag nalang silang pasikatan pa. Dahil sa ganung gawain pinapairal  lang natin ang kasamahan sa MUNDO.

|Ay! may nakalimutan papala ako may naging sikat din pala sa ganyang issue yung about sa suntukan ni Santiago at Tulfo sa Airport. Di bale wag nalang nating e discuss pa, kase tayo rin naman ay nakikipag suntukan, sampalan kahit saan.. Na chempo nga lang din na video sila, Kaya biglang sikat din nila.. ahehehe..


Yun nalang siguro masasabi ko, hangang dito nalang.. Salamat binasa mo! :)


"Give peace a chance."

Konting payo para sa inyong lahat..

"Tama na ang pang Bubully.. Kase ayaw moring mabully!
Jan din rin kase nagsisimula ang ayaw natin na Law na Cyber Crime."

"Wag masyado magapasikat sa labas o kahit saan baka mavideohan ka. Haha."

"Cyber Bullying It Can Happen to Anyone!"
"Cyber Bullying Affects Real Lives!"
-  Mr. Dean

No comments:

Post a Comment