Saturday, November 24, 2012
"Standard Orocans"
Naranasan ninyo bang merong nang backstab sa inyo? Tapos kung sino pa yung mga pinagkakatiwalaan mo sila pa yung sisira sayo.
Bakit kaya may mga ganyang tao na mahilig makipag kaibigan tapos sa bandang huli pla-plastikan kalang pala. Yung tipong kakaibiginan ka, pakikisamahan ka, in the end naiingit lang pala sila sayo at kaya pala ganun. Sabi ko nga dati na "Kung hindi ka okay sa ibang tao pagka nakatalikod kana, Edi wag kanaring maging okay sa kanila pagka kaharap mo na sila. Dahil dun narin nagsisimula at nagaganap ang Plastikan" Tama? Well sa ganoong situasyon mayroon akong tawag sa kanila, sila ang mga STANDARD OROCANS na Friends mo! :-)
Bakit Standard Orocans?
From the word, Standard di sila nagbabago, kung baga may quality talaga silang manira, at mahilig silang mag enjoy pagka tsismis na ang pinaguusapan lalong lalo na pagka dati nilang kaibigan ang topic.
Minsan pa nga sila sila lang din ay nagsisiraan parang mga timang lang. Kaya standard ang tawag ko sa kanila yung brand ng plastic at the same time standard kase wala silang araw na hindi pinapalampasan kundi mag Chismakan! Lang.
Ano naman ang Orocan? Para hindi masyadong masagwa at hindi masyadong patama sa mga Plastic na tao este Orocan nga pala haha! Tanong kolang ano ba ang orocan? pangalan ng plastik diba? Kaya ayon nabuo ko ang pangalan na pinagsamang lakas na parang plastik lang na mahirap tunawin kahit anong gawin mong panununog plastik parin. Ang pangalan na "Standard Orocans." (Cheers!)
Lahat naman tayo'y plastik, lalong lalo na pagka na iilang ka talaga sa isang taong kinakausap mo. Pero paano mo malalaman kung sino ang mas plastik sa inyong dalawa? Eto may ginawa akong..
The Five Characteristics of Being Standard Orocan.
1. Standard Observer Orocan
Pagka kinakausap kanya tinitignan ka taas at baba kahit t-shirt mo tinitignan niya kulang nalang silipin niya kung ano color ng brief or panty mo hahaha!
2. Standard Inquisitive Orocan
Tanong ng tanong sayo kahit ano hanggat makakuha siya ng bagong topic na machihismis nila..Or kukuha sila ng informasyon tungkol sayo kahit walang kwentang issue gagawan at gagawan ka ng issue. Kaya ang sumunod dito ay...
3. Standard Bluffiring Orocan
Kung wari makikipag kaibigan sayo para lang sa kadagdagan ng impormasyon na makukuha niya sayu, at sa bandang huli ikaw sisihan kasi nalaman niya sayo ang kwento kay ano, si ano ayun! In short gagawin kanyang source of Chismax!. Pagkukungwari..
Kung titignan ninyo ang pagiging plastic din na tao, ay masigana sila sa ka Chismakan!
4. Standard Sarcastic Orocan
Habang kinakausap mo baluktot ang facial expression, yung para bang di niya matanggap ang isang sitausyon. Lalong lalo na pagka ang galing mo sa ganito tapos siya hindi niya alam, meron ka neto at siya wala! In short Inggitero!
5. Standard Bittering Orocan
Lagi kanyang kinukwento sa marami dinadaldal niya kahit ano-ano masiraan kalang niya. Sobrang kaselosan niya sayo kasi wala kang pakialam kahit anong e Chismax niya. Sa bandang huli siya parin ang talo. Bitter nga eh! hihihihi :}
Ayos ba? hehehe :}
Eh paano kung ikaw mismo alam mo na ma chismis ka at gusto monang baguhin ang pagiging chismoso/chismosa mo..
Madali yan kung gusto mong baguhin ang sarili mo unang una.
"Disiplina ng iyong bibig at Disiplina ng iyong pakikinig."
Alam ninyo kung kayo gusto talaga ninyong umiwas sa pagiging plastik magpaka tao o magpakatotoo kalang.. Yun lang naman iyon at hindi rin siya mahirap gawin.. Sabi ko nga na "Walang perpektong nilalang na tao, pero kaya mong magpaka tao." Tama? Yan ang advice ko sa mga gusto ng umiwas sa pagiging plastik.. At sa mga chismoso at chismosa naman "Its better to listen than to speak." Kung baga if your a listener you playing it safe while being a speaker your in trouble all the time. Parang ano lang yan "Less talk, less mistakes." Hindi ko alam kung sino gumawa ng Less less nayan kaya hindi ko na indicate ang name ng creator. Di bali na atleast hindi ko sinotto este, kinopya lang basta basta ahehehe.. :}
Imagnine natin kung walang siraan sa mundo peaceful diba? may be lahat tayo ay magka sundo sundo.. Hindi man magiging perfect ang mundo natin at least lahat ay nagkaka intindihan at nagpapakatotoo.. Hindi man din natin ma please ang lahat pabayaan nalang natin, hanap kanalang ng makikinig sayo basta good vibes lagi ang kinakalat mo para good vibes din ang ikakalat ng pinagsabihn mo. Laging tandaan "Tao kalang magpaka tao kanaman." So wag nang maging Standard Orocan be a Standard Human hood.
"I believe that humility is the most important thing we should do, coz it will follow everything."
People wants peace, but what is peace without humility?
People wants change, but what is change without humility?
People wants mercy, but what is mercy without humility?
People wants cleanliness, but what is cleanliness without humility?
- Joseph Ian Manalansan
Stay Humble.. Don't be a Standard Orocan.
Thank you for reading! :)
Kung sa bagay kahit anong recycle mo sa plastik, palstic parin.
"MAGPAKUMBABA NALANG. DAHIL TAO KALANG at HINDI KA DIYOS."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment