Thursday, May 2, 2013

Tulang Makulit Dahil sa Pag-ibig (Part II)


Isang gabi hindi nanaman ako makatulog
dahil sa nainiisip nanaman kita.
Ewan ko ba kung bakit
siguro miss na kita..

Kung alam mo lang
oras oras naiisip parin kita
na para bang na LSS (Last Song Syndrome) ako sa isang kanta
kamusta kana kaya?

Naalala ko nung humihingi ka ng pangalawang pagkakataon,
kung alam mo lang nasasaktan ako sa twing nakikita kita noon
mga reaksyon mo, tingin mo, na nagbibigay mensahe na ayaw mo akong mawala..

Pero sinabi konaman sayo na ayaw kona
dahil nasaktan ako ng sobra-sobra noong mga panahon ko,
at ayaw konarin balikan pang muli ang mga iyon.
Alam kong pareho lang tayo nasaktan
pero iba ang aking nakaraan at naramdaman..

Sabi ko sayo na lumayo kana
wag mo nang ipilit ang iyong sarili na para bang sticker na wala ng pandikit.
Dahil kung nahihirapan ka,
mas nahihirapan ako sa tuwing nakikita kitang ipinapakat mo ang iyong sarili sa salamin ng puso ko.

Ayaw ko sanang maging tayong muli,
ang iniisip ko kasi ay baka magka baligtad lamang ang situasyon nating dalawa.
At mukha nga..

(Fact! Ang galing mo talagang mang Reverse Psychology..)

Na ikaw naman ang maghabol at ako naman ang magpapahabol
mahirap naman yata iyon,
dahil babae ka at kahit papaano ayaw kong maranasan mo ang dinanas ko sayo noon.
O diba concern parin ako sayo kahit papaano. Apir naman jan!

Siguro kung sakaling manyari man iyon
para tayong mga batang naghahabulan na walang katapusan
at sa bandang huli kapaguran lamang at susuko nanaman tayong muli..

Pustahan man??

Ang hirap iwanan ka
ano bang pinakain mo sa akin? bakit hangang ngayon naalala parin kita,
pinoison mo ba ako? o ginayuma?
nag aral kaba sa hogwarts? kaklase mo ba si harry potter?
at nagpaturo ka ng advance magic spell?
marahil kung hindi man, isa lang ang sagot ko dito
may nararamdaman parin ako sayo..

BOOM!! Fliptopan na!!

Kinilig ka naman?? O wag kamunang mag expect!
baka mabuhos ang mainit na sabaw, sa iyong mga paa at mapatalon kapa at mauntog ang ulo mo sa kisame ng bahay ninyo, at sa bandang huli ma hospital ka at ako pa ang may kasalanan..

Haay...

Langit lupa at impyerno...
5 10 15 20...
21!

Tataya nanaman ba ako?
patintero ba ito?

Alam kong ikaw ang taya..
at ayaw kong magpa out!

Kase ginawa kona ang lahat..
ikaw naman siguro.. Time for you to make a show!

And actually it's your time to shine!!
Its SHOW TIME!! :D
(Oops back to the poetry)


Ayan sa wakas at ako'y pumayag na.
Kahit na magulo parin ang isip ko,
kakayanin ko to para lang malaman ko kung talagang seryoso ka
sa gagawin mo.

Wow.. totoo yatang nagbabago ka
pero wait!! hindi muna ako magpapadala,
baka pauna lang yan at masabik lang ako at aasa nanaman sa wala.

Yun na nga pauna lamang talaga..

Oopss.. nagaaway nanaman tayo..
bumabalik kung sino ako sayo dati..

Sorry nagagalit ako dahil nag-aalala ako sayo,
eto na nga ba sinasabi ko sa bandang huli talo nanaman ako.
pasensya na ma Worry akong tao. Ewan ko ba kung bakit.
Meron parin akong nararamdaman na hindi ko mapaliwag.
May tiwala naman ako sayo pero hindi ko talaga alam kung bakit.

My instinct eh...

Pasensya narin na hindi ko maiwasan magselos sa mga walang kwentang bagay..
Mahal lang talaga kita kaya siguro ganito nanaman ang situasyon ko..

At sa bandang huli gumulo ang situasyon..
Na para bang ako na ang dumating sa point na ako nanaman ang taya at ikaw naman ang nagpapahabol.

Oo naiintindihan ko na sinabi ko sayo na hindi nakita mahal
noong panahon na pinipilit mo ang iyong sarili sakin.
Nasabi kolang  naman kasi iyon para kalimutan mona ako.
Dahil nga naging masaya nako na wala ka, na realize kona ang lahat na napaka tanga ko.
Kung baga namulat at bumukas na ang aking mga mata sa katotohanan.

Pero anong ginawa ko nagstay parin ako
dahil na nga may nararamdaman parin ako sa iyo.
Tinanong kita kung ano na ang situasyon nating dalawa
dahil na nga sa napapamahal nanaman ako sayong muli.
Pero ayaw mong sagutin ang mga tanong ko ano ba yan!? Toinks!

Ayan tuloy boses nating dalawa ay tumataas
lalo tayong hindi nagkakahintindihan
Ano kaba?? eto na nga ako at tinanggap kapa rin muli..

Ano pabang gusto mo..?

Tingin ko hangang dito nalang  talaga tayo
muli mo nanaman akong pinakawalan na parang ibon,
sa susunod na gagamit ka ng tirador para bumalik sayo pwes!
Mag eevolve na ako na parang pokemon from dove to eagle! Hehehe..
Hinding hindi mona ako maabot.

I think this will be the perfect time... Time for me to take an action for me to move on..
Green light its going on.. So I'll have to move on ..

Kung maiisip mo parin ako sa mga darating na araw
well wag ka sanang maging malungot.
Kung may cellphone kanaman i dial molang ang no. ko
at tawagin mo ako..

As if naman..

Sasagutin ko! Hahaha!

Pero thank you narin nakilala kita..
dami ko natutunan sayo..

At wag ka sanang mag alala patuloy ko parin baba-sahin ang mga sulat mo sakin.
At isa isa nito ay susunugin ko, pupunutin ko, at ipapakain sa aso.

Dami nito salamat sa mga recycle na pwedi kong pang sunog pagka nag barbeque kami..hehehe..

Nagtatapos..

Tulang makulit dahil sa pag-ibig (Part II)
Wala ng susunod dito. :D









2 comments:

  1. Sa isang mundo ng kaguluhan
    Hindi maiiwasan lahat maapektuhan
    ng pagkabalisa at pangamba
    Ayun! Negatibo resulta!

    Pero bkit nga ba?
    Bakit hinayaan na ganito?
    Dahil ba sa mahina ikaw at ako
    Dahil ba sa kakarampot na kaalaman?

    Ito ba ay marahil sa
    Dulot ng kabataan
    O dahil hinahanda ka
    Sa isang masayang musika

    Ng bukas at kailanpa
    Kahandaan para sa isang
    Malaking 'trip to jerusalem'
    makikipag-agawan, maguunahan

    para sa pwesto ng isang
    taon nakilala mo lamang
    sa isang buhay na puro
    saya, komedya, lungkot at luha?

    kahandaan nga ba?
    o pinaglalaruan ka lamang?
    ng mapaglarong tadhana?
    Ngunit, muli, bakit nga kaya?

    -Filter light (jake ryan)

    ReplyDelete
  2. Ang buhay sadyang ganyan
    mapa ibig man o mapa drama man,
    minsan nasa taas ka, minsan naman nasa baba ka.

    O, ang buhay parang gulong
    minsan napupudpod din ito,
    dahil sa mga bako bako na dinadahanan natin sa buhay
    at sa mundong ito.

    Pagka naman ito napuno
    at uminit na parang ulo,
    ito ay bigla nalang puputok at patuloy ng hindi na iikot.

    Parang pag ibig lang
    sa una lamang masaya
    at sa bandang huli muli kang madadapa

    Pero dahil tao kalang wala ka dapat sisisihan,
    dahil kung ano man ang ginawa mo sa iyong nakaraan
    pustahan man, iyong ginusto at pinuntahan.

    Dahil ito ay isa lamang tula
    na naglalabas ng saloobin
    para lamang mabawasan ang kirot sa isang damdamin.


    - What the Fact(Ianpaulman)

    ReplyDelete